Kalilangan Festival 2025, Opisyal na Inilunsad sa Gensan
Opisyal na inilunsad ng Local Government Unit of General Santos City sa pamumuno ni City Mayor Hon. Lorelie Geronimo Pacquiao ang ika-36 na Kalilangan Festival at ika-86 Founding Anniversary, na may temang “Kampeon sa Kultura! Mas Pinakulay at Pinasaya” sa isang media launching at press conference ngayong araw, Pebrero 13, 2024, sa SM City Gensan Activity Center.
BABALA sa mga residente ng Barangay Buayan Purok 1, Purok 2 at Purok Minanga. Magmatyag sa posibleng pagtaas ng antas ng tubig sa ilog. Maghanda sa posibleng paglikas kung kinakailangan.
Be Safe mga General!
Opisyal nang Binuksan ang 8th Philippine International Farm Tourism Conference 2025 sa Gensan
Kasabay ng pagdiriwang ng Kalilangan Festival 2025, opisyal nang binuksan ang ika-8 Philippine International Farm Tourism Conference ngayong araw sa KCC Convention and Event Center. Ang kumperensiyang may temang “Stimulating Sustainable Economic Growth in Rural Communities Through Farm Tourism” ay naglalayong palakasin ang agrikultura at turismo sa mga kanayunan bilang susi sa pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya.