







Kalilangan Festival 2025 Opening Ceremony
Sa isang makulay at makasaysayang seremonya nitong Pebrero 23, opisyal nang binuksan ang Kalilangan Festival 2025, ang taunang pagdiriwang na sumasalamin sa mayamang kultura, tradisyon, at kasaysayan ng General Santos City. Pinangunahan ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, kasama si First Gentleman at Councilor Bobby Pacquiao, City Administrator Shandee Llido-Pestaño, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ang pormal na pagbubukas ng selebrasyon. Kasama sa mga espesyal na panauhin sina Senator “Bato” Dela Rosa at Senator Christopher “Bong” Go, na nagbigay ng kanilang mensahe at suporta sa pag-unlad ng General Santos City. Samantala, nagpaabot din ng pagbati si Congressman Ton Acharon sa pamamagitan ng kanyang kinatawan, Councilor Odjok Acharon, na ipinahayag ang kahalagahan ng pagdiriwang sa pagpapalakas ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa kultura ng lungsod. Ang pagbubukas ng Kalilangan Festival ay isang pagkilala sa diwa ng bayanihan at kasaysayan ng mga mga residente sa lungsod. Sa bawat taon, ang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing paalala ng mayamang pamana ng lungsod, patunay ng matibay na pagkakaugnay ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng General Santos City. Sa mga susunod na araw, mas maraming aktibidad ang magpapakita ng galing, sining, at talento ng mga Heneral. Ang Kalilangan Festival ay isang patuloy na pamana ng lahi, pista ng kultura, kasaysayan, at pagkakaisa na ipinagmamalaki ng bawat mamamayan. Sa mga susunod na araw, mas maraming aktibidad ang magpapakita ng galing, sining, at talento ng mga Heneral. Nagtapos ang programa sa isang makapigil-hiningang fireworks display, na nagbigay-liwanag sa kalangitan at naghatid ng di malilimutang pagsisimula ng Kalilangan Festival 2025, isang pista ng kultura, kasaysayan, at pagkakaisa na ipinagmamalaki ng bawat mamamayan. #SerbisyongTotoo #TatakPacquiao #LGPCares #Kalilangan2025 #KalilanganFestival