Activities

Matagumpay na inilunsad ng General Santos City ang Paleng-QR PH Plus Program ngayong araw, Hunyo 6, 2024 sa General Santos City Public Market.

Sa programa, pinasalamatan ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang mga naging daan para maisakatuparan  ang Paleng-QR PH partikular na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of the Interior and Local Government (DILG), mga kawani ng LGU, at mga techno partners.

Ang Paleng-QR Ph ay isang digital payment ecosystem program na binuo ng DILG at BSP na nagsusulong ng cashless payments gamit ang mga digital device gaya ng mga cellphone app sa public market at tricycle hubs. Mas pinadali na ang pagbili at pagbabayad sa pamamagitan ng nito.

Photos: Denn Jib Seblos

#PalengQRPh

#SerbisyongTotoo 

#TatakPacquiao

#LGPCares

Tags: No tags

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *