Bagong Ultrasound/2D Echo Machine

TINGNAN | Bagong Ultrasound/2D Echo Machine

Sa inisiyatibo ng Punong Pang-Ospital (Chief of Hospital) na si Dr. Ryan Oscar M. Aplicador nakatanggap ng bagong Ultrasound/2D Echo Machine (SonoScape P40) ang Dr. Jorge P. Royeca City Hospital mula sa Department of Health Region XII. Ang nasabing makina ay makapagbibigay ng ibat-ibang imahe sa mga medikal na aplikasyon tulad ng sa Cardiology, Radiology, OB/Gyne at iba pa..

Patuloy ang paglago ng inyong City Hospital para maipatuloy ang pagbibigay ng kalidad na serbisyong medikal. At lubos ang pasasalamat ng DJPRCH sa ating Regional Director ng DOH XII na si Dr. Aristides Conception Tan, MPHat sa buong kagawaran sa suporta at tulong na binibigay sa ating ospital. - HPA/hepoII

#cityhospitalcaringforyou

#DJPRCH

Leave a Reply

Your email address will not be published.