Gensan Medical Center nakipagpulong kay General Santos City Mayor Lorelie Geronimo - Pacquiao.

Nagbigay ng pagbati ang GMC sa pagkakahalal ni Hon. Lorelie Pacquiao bilang bagong Mayor ng lungsod.

Sa naganap na pagpupulong, napag-usapan nila ang pagtutulungan ng GMC at gobyerno lalung-lalo na sa kanilang mga indigenous patients.

Inirekomenda naman ng Alkalde na kanilang iproseso ang akreditasyon para sa programa ng Department of Health na Medical Assistance for Indigenous Patients (MAIP).

Ito ay naglalayong magbigay ng pinansiyal na suporta sa mga mahihirap na pasyente na naghahanap ng medikal na pagsusuri, konsultasyon, paggamot at rehabilitasyon at ang mga naka-confine sa mga ospital ng gobyerno.

Bukas naman ang isip ng Alkalde sa mga suhestiyon ng GMC kung paano mas mapadali ang pagbibigay ng assistance sa mga nangangailangang pasyente. (CPIO/OM/RSC)

Photo by Denn Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published.